Saturday, December 29, 2007

Pagtangis ng Propeta

Balaraw and itinarak sa kaluluwa
ng buang na henyo;
Ni hindi nasilayan ang
monumentong itinayo ng
hubad na dyosa.

Siguro , nakapikit ang mata
ng araw kaya di nasinagan ang
katawang luray sa pagtaghoy,
ng kahilingang mabigyan ng
likido ang plumang pinanday
ng poot at sigla, ng
hamog at baga.

Marahil gayon nga ang liriko
ng himig ng bwetre, pilit
na idinuduyan ang kamuwangang
di nakikita ng rayos ng umaga.

Pilit na hinahablusan ang balat
maputi, mapusyaw, may alinlangan
na di na darating ang
propeta ng walang digma;
siguro mas mahusay na magpatiwakal
at tarakan ng kampit
ang kahunghangang pinanday ng pait.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home